PAOCC – nakikitang si suspended Bamban Mayor Alice Guo ang ‘most guilty’ sa gitna ng isyu nito sa POGO

Idiniin ni Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) Undersecretary Gilbert Cruz na hindi pa rin maituturing bilang state witness si suspended Bamban Mayor Alice Guo sa gitna ng kinahaharap nitong isyu sa POGO.

Read More:  VP Sara Duterte prays for Philippine peace and father Rodrigo Duterte’s safe return

Ayon kay Cruz, ang mga state witnesses ay mga ‘least guilty.

Sa kaso aniya ni Guo, nakikita nilang ang alkalde pa rin ang ‘most’ guilty sa kaso.

Read More:  OVP’s ₱785.2 million budget passes Senate committee in 16 minutes

Mababatid na noong nakaraang linggo, sinabi ni PAOCC spokesperson Winston Casio na ikokonsidera lang nila para maging state witness si Guo kung makapagtuturo ito ng taong mas mataas sa kanya mula sa kanilang criminal organization.