Operasyon sa paghahanap kay Quiboloy, wala umanong kinalaman sa nangyari reshuffle ng hanay ng mga pulis sa Davao

Nilinaw ni PNP Chief General Rommel Francisco Marbil na walang kinalaman sa paghahanap kay Apollo Quiboloy at iba pang mga wanted ang ginawang rigodon sa hanay ng pulisya sa Davao.

Read More:  Acidre urges Senate to prioritize impeachment over flood control hearings

Nahuli umano ang isa sa mga wanted na si Paulene Canada dahil sa tulong ng reward, at hindi dahil sa reshuffle ng mga opisyal.

Naaresto ito sa kanyang bahay sa Davao City sa bisa ng warrant of arrest matapos makatanggap ng tip nang maglabas ng reward ang DILG.

Read More:  NBI files ethics complaint against Kiko Barzaga

Mababatid na mula pa noong Mayo, sunod-sunod na ang rigodon sa Davao.