PAOCC: Ban sa POGOS, dapat dahan-dahan

Naniniwala ang Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) na dapat ay hindi basta-basta i-ban ang mga POGOs sa bansa.

Sa gitna ito ng mga panawagang ihinto na ang operasyon ng mga POGO, at tuluyan na silang i-ban sa Pilipinas.

Read More:  Ateneo Law Student Council expresses disappointment over Cayetano

Sabi ni PAOCC spokesperson Winston Casio, kung siya ang tatnaungin ay dapat munang magkaroon ng sapat na transition.

Paliwanag ni Casio, ano mang iligal na gawain, gaya ng mga illegal hubs, basta’t mapasara nang biglaan ay maga-underground lang ng knailang mga operasiyon.

Read More:  Lawmaker pushes for passage of 5% student discount bill

Lumabas din sa kanilang pagsisiyasat na lahat ng mga POGO na kanilang na-raid ay nabigyan na pala ng mga lisensya ng PAGCOR, pero kalaunan ay nalamang sangkot sila sa mga iligal na aktibidad.

Bago ito, una nang sinabi ni Casio na halos 60 na mga illegal POGOs ang kanilang mino-monitor.