Mga web-based systems ng MARINA – nakaranas ng cyberattack

Kinumpirma ng Maritime Industry Authority o MARINA na apat sa kanilang web-based systems ang biktima ng cyberattack.

Nakompromiso ang web-based systems ng MARINA noong Sabado.

Kasalukuyan nang nagsasagawa ng imbestigasyon ang Information Technology team ng MARINA sa tulong ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center ng DICT upang mapigilan ang data breach.

Target ng MARINA na maging operational ang mga systems nito para makapagproseso ng mga aplikasyon bukas.

Nangako naman ang MARINA na palalakasin pa ang kanilang cyber security protocols upang maiwasan ang anumang cyber attack.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *