DOH, nangangambang sumipa sa 17,000 ang maitatalang daily cases ng COVID-19

Nangangamba ngayon ang Department of Health na posibleng sumipa ng hanggang sa 17,000 COVID-19 cases ang maitatala kada araw sa pagtatapos ng Hulyo.

Sa isang pahayag, sinabi ng DOH na kung pagbabasehan ang projections ng FASSSTER, ‘o ‘yung kagamitang ginagamit para sa pagtataya ng mga posibleng maitalang COVID-19 cases – maaaring sumipa sa 11,186 ang kaso sa Metro Manila bago matapos ang buwan.

Ito ay kung mananatili pa ring mababa ang pag-comply ng publiko sa minimum public health standards.

Read More:  Tulfo calls for stronger action vs illegal recruitment and trafficking

Maaari rin aniyang tumaas sa 17,105 ang daily cases sa buong bansa.

Ilan sa mga factors na tinitignan sa ngayon ay ang mababang MPHS complaince; mababang vaccination coverage, pati na rin ang higher mobility ng mga tao.

Sakaling tuluyan pa itong bumaba, maaaring tumaas sa 22,187 ang kabuaong bilang ng mga kaso.

Dahil dito, tuloy pa rin ang paalala ng DOH sa publiko na magpabakuna na at magpa-booster shot na ri para maprotektahan laban sa COVID-19 infections.

Read More:  DND dismisses calls for peace talks with CPP-NPA-NDF

Sa kabila nito, nilinaw kahapon ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na nananatili pa rin sa low risk ang classification ng bansa dahil sa mababang severe at critical cases, pati na rin ang mababang hospitalization rate.

Sa hiwalay naman na pahayag, sinabi ni World Health Organization chief Tedros Ghebreyesus na ang mga naitatalang surge ng COVID-19 sa iba’t ibang bansa ay indikasyon na malayo-layo pa bago tayo tuluyang lumaya sa mga epekto ng pandemya.

Aniya, malaya pa ring kumakalat ang nakahahawang virus.
#