Panukalang paglahok ng “netizens” sa paggawa ng mga batas, hindi maganda sa ngayon-City Councilor

NAGA CITY – Hindi sinangayunan ng isang konsehal sa Naga City ang isinusulong na Senate Bill 2344 ni Senator Jinggoy Estrada hinggil sa pakikilahok ng “netizens” sa pagbuo at paggawa ng mga batas.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Hon. Salvador Del Castillo, miyembro ng Philippine Councilor’s League, sinabi nito na kung online platforms ang pag-uusapan, walang kasiguraduhan kung lehitimong mga account ba ang ginagamit ng mga ito. Aniya, maaari pa rin kasing madaya ito ng mga mapagsamantalang pulitiko.

Read More:  5 NPA rebels killed in Negros Occidental clash
Read More:  Aklan SB member’s home attacked in midnight shooting

Suhestisyon ng konsehal na maaari namang kunan ng opinyon ang publiko at makilahok sa paggawa ng mga batas ngunit dapat itong gawin sa mas makatotohanan na paraan. Ang patuloy na pagkakaroon ng mga scammers at kaso ng cybercrime ang siyang naging basehan ng konsehal sa pagtoltol dito.