DTI mas mabilis nang mabibigyan ng atensyon ang mga reklamo sa talipapa sa Naga City

NAGA CITY – Mas mabibigyan na ng atensyon ng Department of Trade and Industry ang anumang mga reklamo sa mga talipapa at iba pang tindahan sa ilang mga barangay sa Naga City, partikular na sa Bagumbayan Sur, ito’y matapos na mabuo ang Barangay Committee on Consumer Welfare and Protection.

Read More:  Cebu sinkhole under close watch as Bogo City officials restrict access

Layunin ng naturang komitiba na kauna-unahang nabuo sa nabanggit ng barangay ay maaksyunan kaagad ang mga pangunahing reklamo ng mga mamimili tulad ng over-pricing, kulang sa timbang, hindi magandang kalidad ng mga produkto gaya ng karne at mga panindang mga gugulayin.

Sa paliwanag naman sa Brigada News FM Naga ni City Councilor Jess Albeus, Committee Chairman ng Consumers Welfare Protection sa konseho, sinabi niyang mas madali ng mahuhuling ng mga personahe ng DTI kung sinuman ang mga negosyante sa barangay na may anomaliyang ginagawa sa pagtitinda.

Read More:  Two dead after motorcycle collides with carabao in Negros Occidental

Anya’y bubuo pa sila ng ganitong komitiba sa 26 pang barangay ng Naga City.