Panukalang pagbuo ng Cabinet Cluster for Education, aprub kay PBBM

Approved in principle ni Pangulong Bongbong Marcos ang proposal ng 2nd Congressional Commission on Education o EDCOM ang pagbuo ng Cabinet Cluster for Education.

Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni Education Secretary Sonny Angara na layon nitong pagsama-samahin ang mga common vision at direction ng mga ahensya ng gobyerno upang tugunan ang 5.5 years na learning gap ng mga mag aaral.
Kabilang sa iprinesenta sa Pangulo ang pagbuo ng 10-year integrated national education at workforce development plan.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Samantala kabilang sa bubuo sa Cabinet Cluster for Education ang tatlong ahensya ng edukasyon, kabilang dito ang DepEd, CHED at TESDA.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Habang kasama naman sa technical working group ang DOLE, DBM, DSWD, DOH at National Nutrition Council, habang pinagiisipan pa kung isasama ang DTI.