Panukalang mabigyan ng papuri ang ilang mining companies, inalmahan ng isang Palawan Board Member

Inalmahan ni Environmental Protection and Natural Resources Chairman Board Member Ryan D. Maminta ang resolusyong naglalayung bigyang papuri ang ilang minahan sa pagbibigay ng tulong at serbisyo sa impact communities kung saan sila nagmimina.

Ani ng bokal, ang ginagawang serbisyo ng pamunuan ng mga minahan ay kanila lamang obligasyon sa komunidad na apektado ng kanilang pagmimina.

Read More:  63-year-old fish vendor shot in Cebu City by riding-in-tandem gunmen

Dagdag pa nya, ito’y nasa ilaim ng Philippine Mining Act of 1995 kung saan obligado ang mga minahan na magbigay ng tulong o serbisyo kagaya ng pagbibigay ng scholarship sa mga estudyante, paglilingkod sa komunidad at iba pang kawang gawa na parte ng kanilang Social Development and Management Plan.

Read More:  Slain rebels in southern Negros responsible for 26 civilian killings since 2025, Army says

Kaugnay nito, maghihintay umano ang bokal sa konkretong ibedensya na tumulong ang pamunuan ng mga iilang minahan na labas sa kanilang obligasyon.

Kung meron aniya syang makikita, bago lamang nya sasangayunan at susuportahan ang naturang resolusyon.