Panukalang layong bumuo ng medical at health professionals group, isinusulong ni Bong Go

Inihain ni Senator Christopher “Bong” Go ang isang panukala na layong bumuo ng pangkat ng mga medical at health professionals na tutulong sa gobyernong matugunan ang mga pangangailangang medikal at pangkalusugan ng publiko.

Sa ilalim ng Senate Bill No. 1180 o ang “Medical Reserve Corps (MRC) Act of 2022”, magtatag ng isang medical reserve groups na binubuo ng mga liscensed physicians, nurses, medical tevhnologists, indibidwal na may degree sa larangan ng medisina, nursing, medical technology, at miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP) medical service, administrative at technical personnel.

Read More:  Around 1M DepEd personnel expected to receive mid-year bonus

Paliwanag ni Go na ang patuloy na pagdami ng bilang ng mga pasyenteng tinatamaan ng COVID-19 ang nagpapahirap sa mga publiko at pribadong hospital sa bansa.

Dagdag pa ng senador, ang kakulangan ng mga medikal na tauhan sa gitna ng pandemya ang humahadlang sa kakayanan ng bansa na tuluyang masugpo ang nakamamatay na sakit.

Read More:  Daughter of JPE responds to Cayetano following “uncle” remark

Kung maisasabatas ang naturang panukala, maglalabas ang Department of Health ng mga alituntunin sa pagpili at magiging haba ng serbisyo ng magiging myembro ng MRC.

Matatandaang sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang unang SONA na ang pagbuo ng nasabing Medical Reserve Corps ay bahagi ng kanyang mga prayoridad sa pagsisimula ng kanyang administrasyon.(RSB)
#