DOH, suportado ang panukala na gawing legal ang pagbebenta ng ‘ukay-ukay’ sa bansa

Suportado ng Department of Health (DOH) angmungkahi na i-legalize ang importation ng second-hand clothes o “ukay-ukay” dahil magtitiyak umano ito na ang produkto ay ligtas at may kalidad.

Ang pahayag ni DOH Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire, ay matapos imungkahi ang naturang hakbang ni Senator Raffy Tulfo.

Read More:  Marcos says Philippines won’t allow territory used as launching pad for attacks on Taiwan

Paliwanag ni Vergeire, na kung gagawing legal ang naturang trade, nagkakaroon na ng standards para dito, kung saan papasok na ito sa institutionalized system, magkakaroon ng mga pamantayan para ma check kung magiging safe ito para sa populasyon.

Read More:  Taguig denies 911 delay, DILG probes incident, says Remulla

Para sa health official, ito rin ay isang paraan para mapigilan ang pagpasok ng posibleng infectious disease sa bansa, dahil titiyakin nang ang mga produkto ay ligtas para sa mga tao, sa oras na mabili nila ito.