Panukala hinggil sa pagbuo ng Department of Water Resources, lusot na sa House panel

Lusot na sa joint house panel ang panukalang naglalayong bumuo ng Department of Water Resources.

Ito ay kasunod ng pag-aprubahan ng Committees on Public Works at Government Reorganization ang National Water Act.

Read More:  Palace denies Marcos link to Franco Mabanta

Ayon kay Ways and Means Committee Chair Joey Salceda, maliban sa pangangasiwa ng water resource sa bansa, nais tugunan ng itatayong Department of Water Resources ang problemang kinahaharap ng mga Pilipino sa pagbaha.

Kaugnay nito ay magkakaroon din ani Salceda ng ahensya na siyang aatasan sa pagbalangkas at paglatag ng mga polisiya, palulunsad ng mga programa, at pagsasaayos sa water at septage.

Read More:  Greenpeace Philippines insists ASEAN Summit protest was peaceful

Samantala, bubuo rin ng isang approval body para sa paggamit ng mga resource at pagtatayo ng mga dam, at tatawagin itong National Water Resources Allocation Board.