Pantawid Pasada card ng LTFRB, walang laman

SORSOGON CITY – Walang laman ang karamihan sa mga  ipinamahagi ng Pantawid Pasada Card ng Land Transportation Office (LTFRB) sa mga PUJ operators sa lalawigan.

 Ito ang kinumpirma ni Sorsogon Integrated Transport Federation (SORINTRAFED) President Ramon Dealca.

Read More:  Ashfall, sulfur odor reported in parts of Negros after Kanlaon eruption

Ayon dito, ang nasabing problema ay kanila nang naipaabot sa LTFRB kung saan ang ibinigay umanong dahilan sa kanila ng ahensya ay sinunod lamang umano nito kung ano ang ibinigay na datos sa kanila ng Central Office at kasalukuyang hinihintay pa ang abiso kaugnay ng nasabing bagay.

Read More:  Two college students found dead after Cagayan de Oro house fire

Samantala, sinabi ni Dealca na aabot sa halos 200 mga tsuper sa lalawigan ang  walang laman ang kanilang mga Pantawid Pasada Card.