SORSOGON CITY – Bilang bahagi ng pagdiriwang ng kapaskuhan, inilunsad ng Pamahalaang Lokal ng Gubat ang “Intra na sa Paistaran sa Istaran” Tiktok competition.
Ang nasabing kompetisyon ay bukas para sa mga residente ng nasabing bayan at nahahati sa tatlong kategorya tulad ng Bitoon Sin Paglaom Parol Competition, Gubat Dancing Stars at ang Gubat Singing Stars.
Lahat ng mga Tiktok video entries ay ipapadala sa [email protected] kung saan tanging mga entries lamang na maaupload sa Gubatourismo page ang ikokonsiderang official entries.
Tatlo ang mananalo sa bawat kategorya kung saan ang 1st Prize ay tatanggap ng Ph 4,000, Ph 3,000 para sa 2nd Prize at Ph 2,000 naman ang 3rd Prize.
Ang mechanics at criteria ng kompetisyon ay makikita sa public post sa official facebook page ng LGU-Gubat.


