Paninita ng traffic enforcer sa airport police, nauwi sa pagtatalo

Nauwi sa pagtatalo ang pagsita ng isang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA)  Traffic enforcer sa sasakyang may markang ‘airport police’ na ilegal na dumaan sa buslane.

Ayon sa Special Action ang Intelligence Commitee for Transportation, tumanggi ang nagmaneho nito na magbigay ng driver’s license.

Kasunod nito, nagpakilala pa siyang empleyado ng Transportation department.

Read More:  Student rider dies after motorcycle crash along national highway in Gensan

Sa huli, violation pa rin ang kanyang bagsak at iniimbestigahan pa ng ahensya kung airport police ba talaga ang sinita ng MMDA.