Panibagong malawakang tigil-pasada, ikakasa ng Manibela ngayong April 15-16

Magkakasa ng dalawang araw na malawakang tigil-pasada ang grupong Manibela mula April 15 hanggang April 16.

Ito’y bilang pagtutol sa Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) ng gobyerno dahil papalapit na ang April 30 deadline consolidation.

Ayon kay Manibela Chairman Mar Valbuena, nagpulong na ang iba’t ibang chapter ng grupo sa ibang bansa para sa isasagawang kilos-protesta.

Naniniwala si Valbuena na mas malaki, mas malawak at mas maraming sasama sa kanila dahil marami na aniyang nagising sa katotohanang bulok ang sistema ng PUVMP.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *