Bilang ng namatay sa rabies mula Enero, pumalo na sa higit 80 – DOH

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 84 na kaso ng pagkamatay dahil sa rabies mula Enero ngayong taon.

Payo ng ahensya, maging responsableng pet owner at pabakunahan na ang mga alagang hayop.

Bukod dito, nagpaalala rin ang DOH na libre ang anti-rabies vaccine sa mga tao na matatagpuan sa mga Animal Bite Center sa bansa.

Nabatid na makukuha ang rabies sa pamamagitan ng kalmot at kagat ng aso at pusa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *