Mga estudyante, guro at iba pang personnel pinayuhan ng DepEd na ugaliing laging magbaon ng tubig sa gitna ng mataas na heat index

CAMARINES NORTE – Pinaalalahanan ng Department of Education ang mga estudyante, guro at iba pang school personnel na magbaon lagi ng tubig sa gitna ng nararanasang matinding init ng panahon dahil sa El Niño.

Ayon kay Division Information Officer Antonio Ahmad, nagpalabas na rin ng direktiba ang health section ng Division Office para paalalahanan ang lahat na manatiling“hydrated” sa pamamagitan ng pag- inom ng sapat na dami ng tubig.

Mayroon din naman aniyang water station ang mga eskwelahan.

Sa ibang division naman ay nakikipagtulungan ang DepEd sa mga Local Government Unit para siguruhing may sapat na suplay ng inuming tubig an gmga estudyante at school personnel.

Kinumpirma rin ni Ahmad na mayroon nang ilang Local Chief Executive sa lalawigan na nakipag ugnayan sa mga Public District Supervisors hinggil sa posibilidad na pagsususpinde ng in- person classes.

Batay naman sa pinakabagong official statement ng DepED nitong Huwebes, April 4, iginigiit ng departamento na binibigyan ng kapangyarihan ang school heads na magsuspinde ng in person classes kung kinakailangan at mag shift sa Alternative delivery mode.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *