Panibagong kaso laban sa Gentle Hands, Inc., isinampa sa Quezon City Prosecutors Office

Isinampa sa Quezon City Prosecutors Office ang bagong kaso laban sa Gentle Hands, Inc. bilang paglabag sa Domestic Administrative Adoption and Alternative Child Care Act of 1998.

Ito ay matapos tumanggi ni Executive Director Charity Heppner Graff na ibalik ang siyam na taong gulang ng anak ng complainant.

Read More:  Palace urges Bato dela Rosa to surrender amid warning of potentially bloody arrest

Maliban pa roon, pilit din umanong kinukumbinsi ni Heppner ang magulang ng bata na tuluyan nang ipaampon ang bata sa ibang pamilya.

Read More:  Supreme Court budget ruling may figure in new Marcos impeachment bid

Samantala, ito na ang ikaapat na kasong isinampa sa naturang executive director ng bahay ampunan na siyang nasampahan na rin noon ng kidnapping.