Panibagong COVID-19 death, naitala sa Camarines Norte sa 3 magkakasunod na araw

Nakapagtala ng bagong kaso ng pagkasawi dahil sa COVID- 19 ang lalawigan ng Camarines Norte sa tatlong magkakasunod na araw na pawang nagmula sa iisang bayan.

Ang bagong fatality ay nagmula sa bayan ng Basud na si Bicol No 19754 na isang 62 anyos na lalake.

Ayon sa opisyal na pahayag ng Lokal na Pamahalaan binawian ito ng buhay noong Miyerkules habang dinadala sa Camarines Norte Provincial Hospital (CNPH) kung saan isinagawa ang postmortem swab sa nasabing pasyente.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Dahil dito umakyat na sa 38 ang bilang ng mga namatay dahil sa COVID- 19 sa Camarines Norte batay sa ulat ng Provincial Health Office (PHO) sa isinagawang Operational Period briefing kahapon.

Mas mataas ito opisyal na tala ng Department of Health (DOH) na mayroong 35.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Si Bicol No 19754 ay ang ika- anim namang namatay mula sa bayan ng Basud.

Sumampa na sa 1, 154 ang kabuuang kaso ng sakit sa lalawigan makaraang makapagtala ng 19 na bagong kaso kahapon.

Sa bilang na ito, 418 pa ang aktibong kaso habang 701 naman ang gumaling.