CAMARINES NORTE- Nagpalabas ng panibagong advisory ang Provincial Task force for COVID-19 kaugnay sa mga papasok sa Camarines Norte, sa pamamagitan Provincial Incident Management team Issuance series of 2021 kahapon agusto 20,2021.
Sinabi dito na lahat ng papasok sa Camarines Norte na galing sa mga high Risk na mga lugar na tinutukoy ng National IATF ay kailangan magsumite ng negative result ng RT-PCR o Antigen test.
Base rin sa nasabing advisory, lahat ng mga APOR o Authorized Person outside residence ay kailangang magpresenta ng travel order mula sa kanilang mismong ahensiya o opisina o kaya ay travel authority na mula sa Provincial Government.
Sa kabila nito, hindi naman malinaw kung ano ang ibig sabihin ng nasabing kalatas dahil sa mga salitang “ALSO” sa ikalawang taludtud ng kalatas, na kung kailangan pa ba ng Antigen ang mga nabanggit na APOR.

Matatandaan, sa naging EO ng Gobernador Edgardo Tallado, lahat ng APOR ay kailangan magsumite ng Antigen na siyang nakuwestyon naman noon ni DILG Regional Director Atty Antonio Nuyda dahil sa labag ito sa panuntunan ng National IATF, pero nanindigan si Tallado na walang exemption sa Antigen Test kahit ito pa ay APOR o kahit sinong Regional Director pa man.
Naniniwala naman ang minority member ng Sangguniang Panlalwigan na nanaig dito ang Dilg sa pagitan nila ni Gobernador Tallado, kung kaya’t nagpalabas na ito ng bagong Advisory na ang APOR ay hndi na kelangan ng RT-PCR or Antigen Test kung totoo man ito o hindi o kaya naman ay Travel Authority na lamang Ang iprisenta.
Ayon din sa pangunawa ng minorya ng Sangguniang Panlalawigan partikular ni Board member Michael Canlas na hindi na kelangan ng RT-PCR at Antigen test ng mga taong papasok ng border na hndi naman galing sa mga High Risk Areas na identified ng IATF.

