Pangulong Marcos – tiniyak ang tulong sa mga Pilipino sa Middle East

Ipinag-utos ni Pangulong Bongbong Marcos ang paggamit sa lahat ng mga assets upang matiyak ang ligtas at maayos na repatriation sa mga Pilipino na apektado ng krisis sa Middle East.

Habang nasa Lao si Pangulong Marcos, nagkaroon ito ng online meeting kasama ang ilang Cabinet secretaries upang mapag-usapan ang sitwasyon sa Lebanon .

Read More:  Leviste seeks probe into alleged discrimination in barangay aid distribution

Sa kanyang speech sa pakikipag-meet and greet sa Filipino community sa Lao, binigyang-diin ng presidente na nakikipagpulong na ito sa ilang mga opisyal para sa repatriation ng mga Pilipino sa naapektuhan ng gulo sa Israel at Lebanon.

Read More:  DOE urges public to join “Oras Natin sa Efficiency” initiative

Pagtitiyak ni Pangulong Marcos sa publiko, prayoridad nila ang kaligtasan at ang kapakanan ng mga Pilipino sa rehiyon.