P276-M ill-gotten wealth case ng pamilya Marcos – binasura ng Sandiganbayan

Ibinasura na ng Sandiganbayan ang P276-million wealth forfeiture case laban kay yumao at dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr., former First Lady Imelda Marcos, at ang umano’y crony ng mga ito na si Roman Cruz.

Mababatid na noong July 21, 1987, naghain ng reklamo ang Presidential Commission on Good Government (PCGG) na target marekober ang P276M halaga ng pondo at properties na pinaghihinalaang nagmula sa higit 20 taong panunungkulan bilang Pangulo ng dating presidente.

Read More:  Labor coalition criticizes Senate leadership Change

Sa 30-pahinang resolusyon noong October 4, pinagbigyan ng Second Division ng anti-graft courts ang motion to dismiss na inihain ni Imelda Marcos at ng yumaong presidente.

Read More:  VP Sara Duterte camp vows full cooperation in Senate impeachment trial

Nakasaad dito na malinaw na may violation sa karapatan ng defendant sa speedy disposition ng kaso.

Sinabi rin ng anti-graft court na ibinasura nila ang 37-year-old case dahil sa ‘inordinate delay.’