Tiniyak ni Pangulong Bongbong Marcos ang mabilis na tulong sa mga lugar na naapektuhan ng bagyong Neneng
Sa isang twitter post sinabi ng Pangulo na mahigpit na minomonitor ng gobyerno ang epekto ng naturang kalamidad.

Dagdag pa nito lahat ng government assets ay kumikilos na para matiyak na maibibigay ang mga pangunahing pangangailangan ng mga apektadong residente katulad ng tubig, pagkain at kuryente.
Hinimok naman ng Pangulo na sundin ang mga direktibang inilabas ng kani-kanilang mga LGUs.
Nabatid na nagdulot ng matinding pagbaha ang ilang lugar sa Northern Luzon matapos na hagupitin ng bagyong Neneng nitong weekend. (LEY BAGUIO)