Mambabatas naalarma sa tumataas na debt servicing costs ng Pilipinas

Na-alarma si Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III sa tumataas na debt servicing costs, o ang badyet na nakalaan upang bayaran ang kasalukuyang utang ng bansa.

Ito ay matapos na mapansin ni Pimentel na ang mga debt servicing costs para sa P5.268 trilyong pambansang badyet para sa 2023 ay umaabot sa P1.630 trilyon, na 18.65 porsyentong mas mataas kaysa sa 2022 debt service costs.

Read More:  NAPOLCOM backs Truth Commission, affirms commitment to accountability

Ang mga bagong gastos ay katumbas din ng 6.85 porsiyento ng gross domestic product ng bansa.

Paliwanag ng mambabatas na ibig sabihin nito ay nasa P1.6 trillion ang pagsisikapan, pagpapawisan, pagtatrabahuhan at uutangin din para lang makabayad ng utang ang Pilipinas.

Read More:  Madriaga included in VP Sara impeachment witness list

Sinabi din ni Pimentel na sa P1.630 trilyon, P1.019 trilyon ang mapupunta sa principal amortization at P582.32 bilyon sa pagbabayad ng interes.

Nabanggit din ng senador na ang natitirang utang ng gobyerno ay umabot na sa P13.021 trilyon sa pagtatapos ng Agosto at maaaring umabot sa P14.63 trilyon sa pagtatapos ng 2023.