COVID- 19 vaccination coverage sa Camarines Norte para sa mga batang edad 5- 11 napako sa 20 %

CAMARINES NORTE- Halos hindi makausad ang numero ng mga nababakunahan kontra COVID- 19 sa mga batang edad 5- 11 taong gulang sa Camarines Norte.

Batay sa tala ng Provincial Covid- 19 vaccination operation center as of October 15, 2022 umaabot pa lang sa 20. 2 percent ang bakunado sa naturang age group.

Target ng gobyerno na mabakunahan ang nasa 68, 347 na mga batang Cam Norteno na may edad 5- 11 gulang pero nasa 13, 802 pa lang nag nababakunahan.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Sa labing dalawang bayan sa lalawigan ang Capalonga pa lang ang nakapagbabakuna ng mahigit sa kalahati ng kanilang target.

Sa target population na 3, 775 nasa 1, 995 na ang nabakunahan.

Sinusundan naman ito ng Basud na nakapagbakuna ng 1, 656 sa target na 4, 805 o 34. 5 percent.

Ang San Vicente na pinakamaliit na bayan ay mayroong target na 1, 217 at 423 dito ang nabakunahan o 33. 9 percent.

Nakapagbakuna naman ng 1, 879 ang bayan ng Mercedes sa target na 5, 956 o 31. 5 percent.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Nasa  864 naman ang nabakunahan sa Talisay sa target na 3, 028 o 28. 5 percent at  453 naman o 27. 5 percent sa San Lorenzo Ruiz.

Habang ang capital town na Daet ay nasa 21. 5 percent pa lang ng kanilang target.

Sa target na 12, 282 nasa 2, 636 pa lang ang nababakunahan.

Ang nalalabi pang mga bayan ay mas mababa pa sa  20 porsiento ang vaccination coverage sa 5- 11.