CAMARINES SUR- Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang National Launching ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair sa Camarines Sur Polytechnic Colleges (CSPC), Nabua Camarines Sur.
Madaling araw pa lamang marami ang pumila na mga tatanggap ng ayuda pinansyal at iba pang serbisyo ng mga ahensya ng pamahalaan kasama rito ang social services, livelihood at educational services.
Ginawa din ang pormal na pag turn over ng mga gamit sa pagsasaka at pangingisda mula sa Department of Agriculture (DA). May wheelchair mula sa Department of Health, toolkits mula sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) at hygiene kits mula sa Office of Civil Defense (OCD).
Tumanggap din ng tulong pinansyal ang ilang mga indibidwal , organisasyon , asusasyon na angat sa kanilang sektor; tulad sa pagsasaka, pagnenegosyo , social service at iba pa.
Inikot din ng Pangulo ang KADIWA Store kung saan narooon ang mga ipinagmamalaking produkto ng lalawigan.
Ayon kay 5th District Congressman Migz Villafuerte, umabot na nasa 200K ang nagparehistro sa dalawang araw na akribidad mula ngayon hanggang bukas.
Kasabay ng Camarines Sur ang Davao De Oro, Leyte at Ilocos Norte.
Sinabi naman ni Pangulong Marcos, asahang patuloy ang paglapit ng serbisyo sa publiko.