Pinaalalahan ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr., ang mga kapulisan sa paggamit ng pwersa sa kanilang pagganap ng tungkulin.
Sa kanyang talumpati 121st Police Service Anniversary sa Camp Crame sinabi ng Pangulo na kung gagamit man ng pwersa ang mga kapulisan ito ay dapat nasa tamang rason at sa kinakailangang sitwasyon.
Dagdag pa ng Pangulo dapat manatiling impartial at walang kinikilingan ang mga kapulisan sa pagpapatupad ng batas.
Binigyan-diin ng commander-in-chief na dapat nakasandal sa integridad at katapatan ang pagtupad sa trabaho ng mga pulis.
Kumpiyansa si Pangulong Marcos na maganda ang magiging resulta nito sa PNP katulad ng pagkuha ng suporta ng mga tao at magandang ugnayan sa publiko.
“For instance, the use of force must always be reasonable, justifiable, and only undertaken when necessary. Execution of authority must be fair, must be impartial, it must be devoid of favoritism or discrimination regardless of race, gender, socio-economic status, political affiliation, religious belief and the like, it is only then that you can effectively sustain with great respect and wide support the authority that you possess as uniformed servicemen of the republic,” bahagi ng talumpati ni Pangulong Marcos.