Pangulong Marcos, pabalik na ng bansa matapos ang work at state visit

Pabalik na ng bansa si Pangulong Bongbong Marcos mula Czech Republic.

Nabatid na nagtungo ang Pangulo sa Germany para sa work visit, saka tumuloy sa Czech Republic para naman sa isang state visit.

Read More:  PSA reports rise in working children in 2025

Inilarawan ni Marcos na naging produktibo ang maikling araw ng pananatili nito sa Prague.

Nagkaroon ng pagkakataon si Pangulong Marcos na makipag pulong sa matataas na opisyal ng Czech Republic.

Kung saan naging sentro ng kanilang paguusap ang tungkol sa trade investment, at kapakanan ng mga manggagawang
Pilipino.

Read More:  Palace says VP Sara’s alleged threat involves national security

Habang iuuwi naman ng Presidente ang 220 billion pesos na investment deals mula sa Germany.

Samantala, mamayang hapon ang inaasahang dating ni Pangulong Marcos sa Pilipinas.