Bilang ng mga kumpirmadong nasawi sa Bagyong Aghon, umakyat na sa 6 ayon sa NDRRMC

Umakyat na sa anim ang bilang ng mga kumpirmadong nasawi dahil sa pananalasa ng Bagyong #AghonPH.

Ito’y batay sa latest report ng National Disaster Risk Reduction and Management Counil ngayong araw.

Read More:  No government expense for Marcos’ F1 ticket, Palace says

Lima sa mga nasawi ay galing sa CALABARZON na pawang mga lalaki.

Habang ang 1 naman ay mula sa Region 10.

Read More:  Paolo Panelo claims Duterte family accusers feel protected by administration

Samantala, sinabi rin ng NDRRMC na mayroon silang 1 kumpirmadong nasaktan dahil sa bagyo.

Maliban sa kumpirmadong nasawi at nasaktan, mayroon naman na 7 iba pang nasaktan ang biniberipika ng NDRRMC.