Pangulong Marcos, nanawagan sa publiko na maging disiplinado sa pagtapon ng basura

Nanawagan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa publiko na maging disiplinado sa pagtatapon ng basura para hindi ito bumara sa mga pump station.

Kasunod ito ng malawakang pagbaha sa Metro Manila at mga kalapit na probinsiya dulot ng habagat at bagyong Carina.

Read More:  DSWD: 15-year-old Tacloban school shooter showed discernment

Ayon sa Pangulo, marami na aniyang pumping station sa CAMANAVA area pero hindi naging kasing epektibo ang flood control dahil nabarahan ng basura ang mga pump.

Samantala, tiniyak naman ni PBBM na hindi lamang National Capital Region ang mabibigyan ng pondo maging ang iba pang lugar na apektado ng bagyong Carina at habagat gaya ng Calabarzon at Region 3.

Read More:  DSWD completes nationwide distribution of P5,000 fuel assistance

Inatasan dinMarcos ang ilang ahensya na inespeksyunin at muling suriin ang disensyo ng mga flood control projects sa Metro Manila matapos maranasan ang mabilis na pagtaas ng tubig sa naturang lugar.