Labi ng nawawalang tripulante sa lumubog ng motor tanker sa Bataan, natagpuan na ng PCG

Natagpuan na ng Philippine Coast Guard (PCG) ang labi ng nawawalang tripulante ng lumubog na motor tanker  na Terra Nova sa Limay, Bataan.

Nakita ito ng mga tauhan ng PCG na sakay ng BRP Melchora Aquino.

Read More:  INC rally pushes through with permit as up to 100,000 expected in Quezon City

Nauna nang nailigtas ng ahensya ang 16 na tripulante kasunod ng paglubog ng MT Terra Nova kahapon ng madaling araw habang naglalayag sa karagatan.

Read More:  DepEd thanks LGUs, private sector for boosting school security

Karga-karga nito ang mahigit isang milyon litro ng industrial fuel oil.

Ipinagutos rin ni PCG Commandant, CG Admiral Ronnie Gil L Gavan, ang pagpapakalat ng tatlong 44-meter multi-role response vessels (MRRVs) para dagdagan ang patuloy na oil spill response operations sa Bataan.