Pangulong Marcos, namahagi ng iba’t ibang government assistance sa Tagum City

Pinangunahan ni Pangulong Bongbong Marcos ang pamamahagi ng iba’t ibang government assistance sa mga magsasaka at mangingisda sa Tagum City.

Nasa 30million pesos na ayuda naman ang ibinigay ng Pangulo sa mga Provincial Government ng Davao Del Norte, Davao De Oro at Davao Oriental.

Nakatanggap rin ng tig-sampung libong pisong cash assistance ang sampung beneficiaries na pinaka apektado ng El Niño mula sa tatlong probinsya.

Sa datos na binanggit ni Pangulong Marcos, mahigit isang libong pamilya mula sa 16 na barangay sa Davao region ang lubhang naapektuhan ng El Niño.

Habang umabot na sa 50 million pesos ang halaga ng pagkalugi ng mga magsasaka at mangingisda dahil sa matinding tag-tuyot.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *