Mahigit P9 bilyong halaga ng iligal na droga kabilang ang nasamsam sa Alitagtag, Batangas winasak ng PDEA sa Cavite

Winasak ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA ang mahigit P9 bilyong pisong halaga ng iligal na droga.

Sa pamamagitan ng tinatawag na thermal decomposition, isinagawa ang pagwasak sa droga sa isang pasilidad sa Trece Martires City sa Cavite kaninang umaga.

Kabilang sa winasak ang Shabu; Marijuana; Ephedrine at iba pa.

Kasama rin sa mga sinira ang 1.2 toneladang shabu na nakumpiska sa isang checkpoint operation nitong April 15 sa Barangay Pinagkurusan, Alitagtag, Batangas.

Ang mga sinunog na droga ay bahagi ng mga ebidensyang nakumpiska mula sa iba’t ibang anti-drug operations na isinagawa ng PDEA, kasama ang Philippine National Police , National Bureau of Investigation, at iba pang law enforcement agencies, ngunit hindi na kinakailangan bilang ebidensiya sa korte.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *