Pangulong Marcos, nakipagpulong kay US Ambassador Carlson

Nakipagpulong si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kay US Ambassador MaryKay Carlson sa Malacañang.

Sa mga inilabas na larawan ng Presidential Communications Office (PCO), makikitang kasama ng Pangulo sina Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo at Executive Secretary Lucas Bersamin.

Read More:  Senate minority ready to challenge Marcoleta’s online attendance proposal

Maalalang nakipagugnayan si Carlson noong Enero kay Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. at mga opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP) para talakayin ang mga plano sa kooperasyon sa depensa, na kinabibilangan ng mga bagong joint patrol sa West Philippine Sea.

Read More:  Bondoc slams NBI labeling of Sen. Bato as ‘armed and dangerous’

Kahit hindi nagbigay ng detalye ang US Ambassador, sinabi ni AFP Chief General Romeo Brawner Jr. na importanteng isagawa ang joint patrols upang mas mabuting maipatupad ang rules-based international order.