Cong. Tulfo, aminadong nainsulto kay Senador Joel Villanueva

Umaasa si House Deputy Majority Leader Erwin Tulfo na ire-retract o babawiin ni Senador Joel Villanueva ang mga binitiwan nitong salita hinggil sa pagkakaiba ng district at party-list representatives mula sa mga senador.

Ayon kay Tulfo, posibleng nadala lang ng emosyon si Villanueva kaya nito nailabas ang pahayag, ngunit aminado ito na nasaktan sila.

Read More:  Angel Locsin criticizes Padilla following his admission that he is a communist

Nagkausap aniya ang mga miyembro ng party-list coalition sa Kamara kung saan ikinagulat nila ang statement ng kapwa mambabatas, lalo’t ang kaniyang ama ay kasama nila sa koalisyon bilang party-list representative.

Aminado ang kongresista na nainsulto sila sa naturang pahayag dahil binoto rin naman sila ng taumbayan.

Read More:  DSWD extends aid to family of slain motorcycle taxi rider in Caloocan

Dagdag pa nito, kung tutuusin ay pareho lang na national level ang botohan sa mga senador at party-list.

Nagkataon lang na mas marami ang boto ng mga senador dahil nahati ang boto sa maraming party-list groups.

Hindi pa naman umano nakausap ng party-list coalition si CIBAC Party-list Representative Bro Eddie Villanueva hinggil dito.