Pangulong Marcos, nais palawigin ang kadiwa stores sa Pilipinas

Binigyang diin ni pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang State of Nation Address kahapon, na gusto niyang palawigin ang Kadiwa stores sa bansa.

Read More:  Senators seek review of impeachment threshold for VP Sara Duterte

Ayon sa pangulo, malaking tulong ang Kadiwa stores dahil napatunayan ng kanyang administration na napababa nila ang presyo ng ilang bilihin katulad ng bigas, karne, isda, gulay at asukal.

Dagdag pa niya, maganda ang naging resulta ng programa kaya plano niyang palaguin pa ito.

Read More:  Palace respects arrest warrant vs. VP Sara, camp set to post bail

Layunin ng pamahalaan na pag-ugnayin ang mga magsasaka at mga mamimili nang walang ibang namamagitan, walang dagdag gastos, at patong.