2nd regular session binuksan sa Kamara ng walang pagbabalasa sa liderato

Binuksan na ang 2nd regular session sa House of Representatives ng 19th Congress, ilang oras bago isinagawa ni Pangulong Bongbong Marcos ang kanyang ikalawang State of the Nation Address (SONA).

Pinangunahan ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang sesssion ng Kongreso, na dinaluhan ng 311 mambabatas.

Read More:  DOH reports no Ebola cases in the Philippines

Sa gitna nang mga spekulasyon at isyu ukol sa mga opisyal, walang naganap na balasahan sa estraktura ng liderato.

Maalalang tinanggal si dating pangulo Gloria Macapagal-Arroyo sa posisyon bilang Senior Deputy Speaker noong Mayo, na ayon dito, maaring ginawa ang desisyon upang ibigay ang speakership kay Romualdez.

Read More:  DILG to enforce DOJ order to arrest Bato Dela Rosa

Sa ngayon, anim na komite ang nakatakdang talakyin ang mga panuklang batas at resolusyon mamaya, kabilang ang House Committee upang amyendahan ang RA No. 8794 o ang batas na nagpapataw ng motor vehicle user’s charge (MVUC) sa mga motorista.