Nagpaabot ng pagbati si Pangulong Bongbong Marcos sa ika-110 taon ng Iglesia ni Cristo.
Sa kanyang mensahe, sinabi ng Pangulo na hangad nyang patuloy silang maging inspirasyon hindi lang ng kanilang pamayanan kundi ng buong bansa.
Naglalarawan daw ng pagkakaisa, pag-unlad at malalim na mas pang unawa bilang isang sambayanan ang kanilang walang sawang paglilingkod at gawain.
Hinikayat din ng Pangulo na higit pa nilang pagtibayin ang pananalig at pagmamahal sa Panginoon at sa kapwa at sama-samang ipagdasal at pagsikapan ang kinabukasan na puno ng pag-asa, kasaganaan at kapayapaan para sa mga Pilipino at sa buong sangkatauhan.