Lalakeng nagandahan sa foreigner nanakawan ng P200K

Hindi makapaniwala ang isang lalake sa Negros na sa isang iglap ay nawala ang perang pampuhunan sana sa baboy.

Ito’y matapos na manakawan siya ng P200K ng isang babaeng foreigner. Kwento ng lalake para raw tumigil ang mundo niya nang makita ang babae dahil sobrang ganda umano nito. Kinausap aniya siya nito at pinakitaan ng perang dolyar pagtapos noon ay hindi niya namalayan na ibinigay na pala niya ang kaniyang pera. Matapos aniyang makuha ang pera ng dayuhan ay agad itong umalis at nag-iwan ng gift.

Ayon sa lalake hindi niya agad napansin na nawalan siya ng pera at hindi rin kaagad nakapagsumbong sa awtoridad dahil para raw siyang natulala.

Kasalukuyan ng hinanap ng mga otoridad ang naturang dayuhan.

Nagpaalala naman ang lalake sa publiko na sana ay magsilbing aral sa lahat ang nangyaring sa kaniya.