Pangulong Marcos, byaheng Indonesia na ngayong araw

Nakatakda mamayang pasado alas dos ng hapon ang departure ceremony ni Pangulong Bongbong Marcos sa Villamor Airbase sa Pasay.

Ngayong araw na kasi babyahe ang Pangulo patungong Jakarta, Indonesia para dumalo sa 43rd ASEAN summit.

Read More:  Palace seeks reconsideration of SC ruling on unprogrammed funds

Kasunod ito ng imbitasyon ni Indonesian President Joko Widodo.

Ilan naman sa naka linyang schedule ng Pangulo sa ASEAN Summit, ay ang pagdalo nito sa opening ceremony, 43rd plenary session, at free trade session.

Read More:  Gov’t races to secure water, power ahead of ‘Super El Niño’

Nakatakda ring magkaroon ng bilateral meeting ang Pangulo sa iba pang lider ng ASEAN.

Isusulong naman ng Pangulo ang usapin patungkol sa food and energy security, e-commerce at pagpapalakas sa MSME.