Bukas si Pangulong Bongbong Marcos na maging kaalyado sa Partido Federal ng Pilipinas ang isang pulitiko kahit galing ito sa kalabang partido.

Sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos na ang pulitika ay game of addition, kaya tatanggapin nila ang kahit na sinong pulitiko na nais sumama sa kanilang coalition, at kung sinuman ang may malasakit na suportahan ang kanilang mga kandidato sa darating na halalan sa taong 2025 at 2028.
Mahalaga rin aniya na suportado ng mga ito ang ginagawang pagsisikap ng gobyerno na mapabuti ang ekonomiya ng bansa, pati na ang pagpapahupa sa inflation.
Ayon pa sa Pangulo, hindi nila tinitingnan ang kulay ng kanilang pulitika, basta handa silang tumulong sa gobyerno, wala raw syang nakikitang rason para hindi sila tanggapin sa kanilang partido.