Pangulong Marcos – biyaheng Lao na para sa ASEAN Summit

Nakalipad na si Pangulong Bongbong Marcos patungong Vientiane Lao para dumalo sa 44th at 45th ASEAN summit and Related Summit alinsunod na rin sa naging imbitasyon sa kanya ni Lao PDR Prime Minister Sonexay Siphandone.

Pasado ala-una nang hapon nang mag take off ang PR 001 sa Villamor Airbase.

Sa kanyang departure speech, sinabi ng Pangulo na mahalaga sa Pilipinas ang annual ASEAN summit upang ma-discuss ang mga kinakaharap na issue ng ASEAN countries lalo na sa geopolitical matters at iba pa.

Read More:  VP Sara camp ready for Senate impeachment trial

Sinabi pa ng Pangulo na nakatakda rin nilang talakayin ang mga international issues na nakakaapekto sa rehiyon, tulad ng sitwasyon sa Myanmar, ang conflict sa Ukraine, Middle East, at iba pang regional at international issues.

Read More:  NBI names Sen. Padilla person of interest in Sen. Bato search

Tiniyak din ng Presidente na itataguyod nya ang isang open, inclusive at rules-based international order at ang mapayapang pag resolba sa anumang mga hindi pagkakaunawaan na nakasunod sa international law.

Sa gitna ito ng tumitinding tension sa rehiyon, lalo na ang pinaka huling insidente sa West Philippine Sea.