151 OFW sa Lebanon, uuwi na sa bansa; 235 pinoproseso pa

Nakatakda nang umuwi sa bansa ang 151 na Overseas Filipino Workers (OFWs) sa susunod na linggo mula sa Lebanon.

Ayon kay Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Hans Leo Cacdac, ang mga ito ay mula sa apat na apektadong lugar sa Israel, Lebanon, West Bank, at Gaza.

Read More:  Yellow and red alerts raised over Luzon grid

Ang repatriation ay naka-schedule mula Oktubre 11 hanggang 28, sa pamamagitan ng mga commercial flights.

Sa kasalukuyan, mayroong tatlong shelter sa Beirut na naglalaman ng 107 Pilipino kung saan marami sa mga ito ay naghihintay na ma-repatriate.

Read More:  NBI seeks CCTV footage of Sen. Bato’s arrival at Senate

Samantala, ang 235 indibidwal pang natitira ay patuloy na pinoproseso upang makauwi na rin ng bansa.