Pangulong Marcos – binantaan ang mga sindikato ng droga sa bansa

“Aabutan din natin sila”

Ito ang simple ngunit malaman na banta ni Pangulong Bongbong Marcos sa sindikato ng illegal na droga sa bansa kasunod ito sa personal na pag-inspeksyon sa bilyong halaga ng shabu sa kabahaan ng Brgy Pinagkrusan, Alitagtag, Batangas, kaninang umaga.

Sa pulong balitaan, sinabi ng Pangulo na hindi aniya kailangan na ibahin pa ang taktika sa paglaban at pagsawata sa illegal na droga na napatunayang mahusay na nagresulta nga ng pagkakasabat sa bilyong halaga nito kahapon sa isang checkpoint.

Read More:  Cayetano pushes to let detained senators join VP Sara Duterte impeachment trial

Pinuri pa ng Pangulo ang naging aksyon ng PNP na aniya ito ang nararapat na paglaban sa illegal na droga, walang pagdanak ng dugo o namatay sa operasyon.

Read More:  China Coast Guard fires water cannons at Philippine vessels for second straight day

Wala man inilatag na buong detalye sa pagkakasabat dito ay isa lamang ang nilinaw ng Pangulo na hindi ito ginawa sa Pilipinas aniya ang mga illegal na drogang ito ay nagmula pa sa ibang bansa.

Ito na rin ang maituturing na pinakamalaking halaga sa kasaysayana sa hanay ng mga nasasabat na illegal na droga sa ating bansa.