Tinanggap ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paghingi ng paumanhin ng World Bank matapos ang mababang assessment nito sa mga estudyanteng pinoy na ibinase sa mga lumang datus.
Ayon sa Pangulo ‘welcome’ sa kanya ang paghingi ng tawad ng World Bank at sana ay magpublish umano ito ng mas ‘accurate’ na report batay sa bagong mga data.

Kasabay nito sinabi din ng punong ehekutibo na ginagawa ng Department of Education ang para maitama ang anumang misconception sa performance ng mga Filipino Students.
Pinuri din ni Pangulong Duterte si Education Sec. Leonor Briones na pagtawag ng atensiyon sa World Bank upang maiatama ang naturang isyu.
Magugunitang inalmahan ng DepEd ang report ng World Bank kung saan sinabi nitong 80 percent nang Filipino students ang bagsak sa minimum levels ng proficiency.
Ang naturang report ay ibinase sa Program for International Student Assessment noong 2018, Trends in International Mathematics and Science Study noong 2019, at Southeast Asia Primary Learning Metrics noon ding 2019.