Pangulong Duterte, nilagdaan ang mandatory benefits para sa mga health workers

Nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mandatory benefits para sa mga private at public health workers sa gitna ng Covid-19 pandemic noong 2019 at sa iba pang posibleng health emergencies sa bansa.

Sakop ng RA 11712 ang mga health care at non-healthcare workers na nagtatrabaho sa mga medical facilities, vaccination sites at mga indibidwal na kasama sa Covid-19 response efforts ng pamahalaan.

Read More:  DepEd completes nationwide orientation on reforms for SY 2026–2027

Ayon sa batas, makakatanggap sila ng health emergency allowance (HEA) na P3,000 para sa mga ‘low risk’ areas, P6,000 sa mga ‘minimum risk’ areas at P9,000 naman sa mga ‘high risk’ na mga lugar.

Read More:  Madriaga included in VP Sara impeachment witness list

Samantala, makakatanggap din ng P15,000 ang mga health workers na magkakaroon ng Covid-19 mild cases, P100,000 sa mga severe cases at P1 million naman para sa pamilya ng nasawing medical worker.

|| ARGIE ERGINA