DND OIC Faustino, tiniyak na ipagpapatuloy ang pagprotekta ng teritoryo ng bansa

Tiniyak ni Department of National Defense officer-in-charge Jose Faustino Jr. na gagawin nito ang lahat para maprotektahan ang mga teritoryo ng bansa.

Ginawa ni Fuastino ang pangako sa idinaos na turn-over ceremony sa DND mula kay former secretary Delfin Lorenzana.

Read More:  Comelec issues subpoena to contributor in Escudero’s election campaign

Ayon kay Fuastino, makasisiguro ang dating kalihim na ipagpapatuloy nito ang kanyang mga programa pagdating sa territorial defense ng pilipinas.

Pangako ng bagong Kalihim, sovereignty ng Republika ang isa sa mga pinakatututukan niya sa pag-upo bilang ika-36 kalihim ng Kagawaran.

Read More:  Tulfo says leadership change needed to restore Senate dignity

Itutuloy din ni Faustino ang mga modernization efforts para mapalakas pa ang military capability ng AFP.

Sa huli, pinasalamatan ni Faustino si Lorenzana para sa paglalatag nito ng solidong pundasyon sa Kagawaran.
#