Panghuhuli sa mga riders sa bike lanes sa EDSA, pinasisilip ng ilang rider groups

Dapat nang muling silipin ang mga polisiya kaugnay ang motorcycle transportation.

Ito ang binigyang-diin ni Motorcycle Rights Organization chairman Jobert Bolanos kaugnay sa panghuhuli sa mga motorcycle rider na daraan sa mga bike lanes sa EDSA.

Read More:  DSWD extends aid to family of slain motorcycle taxi rider in Caloocan

Ayon kay Bolanos, hindi niya sinusuportahan na gamitin ng mga riders ang bicycle lane sa mga sasakyan na hindi naman angkop para rito.

Katulad lang aniya ito ng hindi rin nila pagpahintulot na gamitin ang motorcycle lane ng ibang mga sasakyan na hindi naman motorsiklo.

Read More:  Angel Locsin criticizes Padilla following his admission that he is a communist

Binigyang-diin ng opisyal na ang mali ay mali, kaya hindi nila sinusuportahan ang mga lumalabag sa ipinatutupad na batas.

Sa huli, sinabi ng oragnization chairman na marami silang kailangang tingnan na mga bagay, gaya ng dami ng mga sasakyang dumadaan sa EDSA, kasabay ng kanilang pagsilip muli sa mga polisiya.