LRT1 Roosevelt station pormal nang pinalitan bilang Fernando Poe Jr. station

Opisyal nang binago ang Pangalan ng LRT1 Roosevelt station at ipinangalan ito sa yumaong Hari ng Pelikulang Pilipino na si Fernando Poe Jr.

Dumalo sa isinagawang ceremonial unveiling ng bagong station signage, si Senator Grace Poe at ilang kawani ng mga gobyerno.

Read More:  DSWD, PNP build case vs fake Pampanga collapse survivor

Ayon kay Senator Grace Poe, ngayon na lang binibigyang halaga at kinikilala ang kontribusyon ng mga artista.

Dagdag pa ng senador, si FPJ ang naging simbolo ng mga mamamayan, pulis, guro, estudyante, at manggagawa na araw-araw ay nagsisipag at kumakayod para bigyan ng magandang kinabukasan ang kanilang pamilya.

Read More:  Pulong Duterte says Marcos won because of VP Sara

December 2021 nang lagdaan ng dating Pangulong Rodrigo Duterte ang Rep. Act 11608, na naglalayong palitan ang Roosevelt Ave. sa Fernando Poe Jr. Ave.